Martes, Setyembre 27, 2011

KAGAMITANG PAGTUTURO: ISANG MODYUL

IASAN
“ANG PALAKA AT ANG DAGA”
Kwentong Mito ng Bukidnon
Panitikan ng Rehiyon X: Hilagang Mindanaw


Panimula

            Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa iyo. Ang pagkakadesinyo nito ay para sa mga estudyante na may iba’t-ibang bilis na pagkatuto.
           
            Kabuuang Pananaw

Ibabahagi iyo ng modyul na ito ang komprehensibong pagtalakay ng isa sa halimbawang panitikan ng Rehiyon X: Hilagang Mindanaw sa FM19: Panitikan ng Rehiyon.
Ang modyul na ito bagama’t isang bahagi lamang ng serye ng modyul sa Filipino ay makakatulong ito sa iyo upang mabigyan ka ng kakailanganing kaalaman tungo sa ganap na pagkatuto ng mga pagpapahalagang nilalayong ituro sa iyo ng asignaturang ito.

Ang ispesipikong paksa na tatalakayin ay ang mga sumusunod:
1.    mga lalawigan na napapaloob sa Hilagang Mindanaw;
2.    isang halimbawang katutubong panitikan sa lalawigan ng bukidnon;
3.    mga manunulat sa nasabing rehiyon;
4.    pagpapahalagang moral na nangingibabaw sa kwento;
5.    paglalarawan sa katangian na sumasagisag sa kwento; at
6.    pagsusuri sa kabuuan ng .

Ano-ano ang dapat mong gawin upang matuto sa modyul na ito?

            Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Filipino Major 19: Panitikan ng Rehiyon kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin:
1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.
2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin.
3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin.
4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat.
5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga  gawain.
6. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa  kahit  nahihirapan.
            7. Magsanay ng maayos at makakaya mo ito.





Pangkalahatang Layunin

            Matapos mong mabasa nang may kasiyahan at maisagawa nang buong husay ang mga nilalaman ng modyul na ito, inaasahang:
A.    matutukoy ang anyo at uri na panitikan nabibilang ang kwento;
B.    matutukoy ang lalawigan na napapaloob sa Rehiyon X;
C.   makakapagbigay-kahulugan at mailalarawan ang tunay na magkaibigan;
D.   mabibigyan ng kahalagahan ang sampit na nangingibabaw sa kwentong ipinapakita;at
E.    maipamahagi ang aral na nalaman sa ibang tao.

Upang mataya ang iyong kahandaan sa araling ito, ikaw ay mabibigyan ng paunang pagsubok na ito ng maayos.
Bago magsimulang pag-aralan ang modyul na ito, nararapat alam mo ang mga sumusunod:
·         Ang dalawang anyo ng panitikan?
·         Ang mga uri ng panitikan ayon sa anyo nito?
·         Ano pabula?
·         Ang mga lalawigan na napapaloob sa Hilagang Mindanaw?


A.   Sagutin ang mga sumusunod

1.    Ano ang dalawang anyo ang panitikan?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2.    Ano-ano ang mga uri ng akdang panitikan ayon sa kanyang anyo?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3.    Ano ang pabula?
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

B.   Pagtukoy ng mga lalawigan na napapaloob sa Rehiyon X.
Panuto: Punan ang mga blangkong kahon upang makuha ang pangkalahatang          nilalaman sa  tulong ng gabay na diskripsyon.
1.


 



 


 


 


 


 


 


 
- Dito makikita ang malalawak na taniman ng piya at ang klasikong Palawan ng golf. Angking din sa lalawigan na ito ang pinakamalaking produksyon ng baka sa Rehiyon.
2.


 



 


 


 


 


 


 


 
                                                                   - Sa sa pinakamaliit at naiiba na pulong lalawigan sa Pilipinas sa Hilagang Mindanaw, Dito makikita ang mga ibat-ibang tanawaing dagat.


 



 


 


 


 


 


 
3.


 



 


 


 


 


 


 


 


 


 
- Bayan ng Lopez Jaena ang bansag sa iilang lugar dito napaloob. Lalawigan sa kanluran na kung sikat nila ang Dait Festival sa Tangub City.
             


 



 


 


 


 


 


 
 4.


 



 

 


 


 


 


 


 
- Lalawigan sa kanluran na kikas sila sa yamang pandagat dahil napapalibutan ang hilaga at ang kanluran ng anyong tubig.


 



 


 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 
5.                                                                    
- Ang pangwakas na probinsya sa Hilagang Mindanaw. Ito ang pinakamaliit na bahagi ng Rehiyon X.

C.   Pagpares ng tamang kahulugan.
Panuto: Itapat ang Hanay A sa Hanay B. Isulat lang sa patlang.



HANAY A

HANAY B



­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­__1. Lumapag                                                 a. pagputol o pagbunot ng damo sa paligid ng tanim            
__2. Gumagamas                                           b. uod na akwatido at naninipsip ng dugo
                        __3. Tamaing                                                  c. ibon na kumakain ng tao
                        __4. Kulambo                                                  d. maliit na bubuyog
                        __5. Linta                                                        e. isda na lumilipad
                                                                                                f. dumapo
g. tela na manipis, pinong-pino ang    butas
           
D.   Pagpapaliwanag sa Nakita !

Pagmasdan ang mga larawan. Tingnan ang larawan ng maigi at pagkatapos ay sagutin ang mga nakahandang tanong.



   http://t3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQJLWvDRLv_ckuzfL4zgQzdlbuW5LD83BLyHMUCF4OihhbCETC_QJRHmkxOTA     http://a2.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/207376_1605059259474_1625912242_1320034_7089214_n.jpg     http://a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc6/207877_1605063579582_1625912242_1320058_1895057_n.jpghttp://a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc6/207877_1605063579582_1625912242_1320058_1895057_n.jpghttp://a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc6/207877_1605063579582_1625912242_1320058_1895057_n.jpghttp://t0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRgNFm0kx4MwFsfV28NCsZcHQJdjlPVRzG-WQsTJq2y1fGfnaRaeQ      http://t0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSCYTkXHX6PFhcHEfpOzpAXvlqu6-cIDO4VcGLxaJxl1nx7dqAyhttp://a2.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/207376_1605059259474_1625912242_1320034_7089214_n.jpg



1.  Ano ang nakita mo sa larawan?
 ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang kanilang pinapakita?

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Ano ang ibig sinasagisag o pahiwatig na kanilang pinapakita bilang isang tao?

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________


Sagot sa unang pagsubok.

A.

1.
Ang dalawang anyo ng panitikan ay tuluyan at patula.
  1.  AnyongTuluyan - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
  2. Anyong Patula - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.
2.
a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary   genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral

e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.

f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.


3.

    Ang pabula ay isang maikling kwento na kinapapalooban ng mensahe o arl na kadalasan ginagamitan ng mga hayop bilang tauhan ng mga bagay na nagsasalita, kumikilos at nabubuhay na parang isang tao.

B.
            1. bukidnon
2. camiguin
3. misamis occidental
4.misamis oriental
5. lanao del norte


C.
            1. f
            2. a
            3. d
            4. g
            5. b
D.
1. Ang nakita sa larawan ay mga bata at tao na mahigpit ang yakap, tumatawa at naglalaro sa isa’t-isa.
2. Ang ipinapakita nila ay nagkaroon sila ang paglalaro, kwentuhan, at nagpapakuha ng litrato para ipakita na may remembrance sila sa isa’t isa.
3. Sila ay sumasagisag na sila’y magkaibigan.



Upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman ay basahin nang mabuti at unawain ang paglalahad sa ibaba.

Matutunghayan mo sa parteng ito ang isang pagpapakilala sa panitikan ng isang Rehiyon sa Pilipinas, ang Hilagang Mindanaw o ang Rehiyon X. Maibabahagi sa pamamagitan ng papel na ito ang munting pagkilala sa iba’t-ibang uri ng panitikan sa rehiyon na payayamanin din ng ilang kaalaman patukoy sa pampisikal, pang-ekonomiya, pangkultura at panlipunang aspeto ng rehiyon. Sa pagdaloy nito, sana ay hindi lamang kapulutan ng mga teknikal na kaalaman tungkol sa rehiyon, sa halip magkaroon din ng isang makabayang pagtangkilik at pagsasapuso ng ating pagka Pilipino ang mambabasa at magkaroon ng mga positibong pananaw para sa pag-unlad natin bilang isang bayan. Sa pagbubukas ng katawan ng papel na ito, sisimulan ng manunulat ang pagpapakilala sa kabuuang sining at yaman ng rehiyon sa pagtatalakay muna sa mga pampisikial na katangian at kasaysayan ng bawat lalawigang nasasakop nito. Kabilang na rin dito ang mga pang-ekonomiya, panlipunan at pang-kulturang aspeto ng bawat isa. Mayroong limang lalawigang bumubuo sa Hilagang Mindanaw, ang Bukidnon, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Lanao del Norte.
Mga Manunulat/Awtor sa Hilagang Mindanao
Ang mga manunulat na ito ay hinati sa modernong panahon patungo sa kontemporaryong panahon. Ang mga manunulat na ito sa Hilagang Mindanao na kabilang sa modernong panahon ay nahahati sa dalawang schools of thought: una ay ang proletarian form of literature kung saan ang kanilang panitikan ay mula sa masa at para sa masa. Samantalang ang isa pang anyo ay ang art for art’s sake. May diwa ng nasyunalismo at paghahanap ng identidad ang kanilang mga sulatin at gamit ang midyum na Ingles. Ang kontemporanyong panahon, sa kabilang dako, ay ang panahon pagkatapos ng rehimeng Marcos. Dito ay nagkaroon na ng kalayaan sa pamamahayag ang mga manunulat. Nagkaroon na rin ng mga institusyon na nag-iisponsor ng mga literary contests, halimbawa, ang Palanca Awards. Sa tula, wala silang sinusunod na sukat at tugma, samakatwid, naging malayang taludturan na. Sa kabuuan, ang pagkakahawig ng mga manunulat na ito na kabilang sa moderno at kontemporanyong panahon ay ang paggamit ng iisang midyum, at ito ay ang wikang Ingles; pangalawa, ang paggamit ng mga kontemporanyong paksa na may kinalaman sa panlipunan, pampulitika, at panrelihiyosong pananaw. Dito na rin sila nagsimulang gumamit ng metapora o simbolismo; humiwalay na sila sa tradisyunal na anyo na may sukat at tugma, sa halip, naging malayang taludturan na ang anyo.
ALEJO, Albert
Siya ay tubong Misamis Oriental. Isinilang siya noong Agosto 25, 1958. Isa siyang manunulang Pilipino. Anak siya nina Severino Alejo at Cinderella Eduave. Lumaki siya sa Obando, Bulacan at doon nakatapos ng elementarya at sekundarya. Noong 1979, nakamit niya ang bachelor’s degree sa UST. Noong Mayo 30, 1979, pumasok siya sa Jesuit Novitiate. Nagtapos siya ng Master’s Degree sa Teolohiya sa Loyola School of Theology noong 1992. Naordinahan bilang pari noong Abril 20, 1991.Nailimbag ang kanyang repleksyong pilosopikal ukol sa konseptong Filipino ng “loob,” Tao Po! Tuloy! Isang Landas ng Pag-unawa sa Loob ng Tao, 1990, at nanalo ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle. Lumabas ang kanyang mga tula sa aklat na, Sanayan Lang ang Pagpatay, 1992.
BERNAD, Miguel
Siya ay isinilang noong Mayo 8, 1917 sa Ozamis City, Misamis Occidental. Nagtapos ng elementarya noong 1920 sa Paaralang Sentral ng Misamis at sekundarya sa Colegio de San Carlos. Tinapos niya ang kurso sa Pilosopiya at nag-aral ng pagpapari sa Jesuit Novitiate, at nagtapos rin ng Teolohiya sa Woodstock College sa Maryland noong 1947. Naging patnugot siya ng Philippine Studies noong 1956-1959 at naging kolumnista ng Philippine Daily Express. Naging propesor siya sa Ateneo de Manila  at nagturo rin sa Xavier University sa Cagayan de Oro City. Ang ilan sa mga aklat na kanyang nailimbag ay ang Tragic Mountain: Manunggal , The Ascent of Mt. Apo, Bamboo and the Greenwood Tree, The Landscape, The Christianization of the Philippines, Dius ng Tau, The February Revolution and Other Reflections, at marami pang iba.
CANOY, Reuben
Nagsimula ssiyang sumulat noong siya ay nag-aaral pa sa Siliman University at Unibersidad ng Pilipinas. Naging mahusay siyang patnugot ng mga pahayagan ng Siliman University at naging patnugot din ng Collegian ng UP noong 1950. Umani ng pagkilala ang dalawa sa kanyang mga naisulat: Deep River (kwento) at Let the People Speak (dula). Pinagkalooban din ng parangal ng Manila Critic Circle ang mga akdang Sa Daigdig ng Kontradiksyon, Days of Disquiet, Nights of Rages, Salvaged Poems at Salvaged Prose. Ang kanyang mga akdang pamp[elikula tulad ng nabanggit na (Jaguar at Sister Estella L) ay nagtamo ng karangalan sa Gawad Urian, at ang Kapit sa Patalim naman ay pinarangalan ng Film Academy at Star Awards.
DEMETRIO, Francisco
Isinilang siya noong Hunyo 18, 1920 sa Cagayan de Oro City. Siya ay anak nina Victor Demetrio at Ramona Radaza. Nagtapos siya ng pag-aaral sa St. Augustine School at Ateneo de Cagayan. Pumasok sa Sacred Heart Novitiate sa Novaliches noong 1938, at tinapos ang Teolohiya sa Woodstock College sa Maryland noong 1948.  Noong 1951, inordinahan bilang pari. Noong 1967, itinayo niya ang Museo de Oro na nagpapakita ng kultura ng Cagayan de Oro. Miyembro ng Philippine Folklore Society at naging head ng Mindanao Association of Museums. Nailimbag niya ang Myths and Symbols Philippines, isang koleksyon ng sanaysay ukol sa kultura; Christianity in Context, mga sanaysay ukol sa relihiyon; at The Soul Book. Pinasikat ang labing-anim na Mindanao folktales sa dalawang komiks. Patunay sa kanyang kahusayan sa pagsulat ang The National Catholic Press Awards para sa kanyang Myths and Symbols Philippines, at ang 1991 National Book Award mula sa Manila Critics Circle para sa The Soul Book. Noong 1990, natanggap niya ang Gawad CCP Para sa Sining, at Lifetime Achievement Award mula sa City Council of Cagayan de Oro noong 1993.
LACABA, Emmanuel
Isinilang siya noong Disyembre 10, 1948 sa Cagayan de Oro City. Pangatlo siya sa anim na anak nina Jose M. Lacaba Sr. at Fe Flores. Nakatatandang kapatid niya si Jose Lacaba. Nagtapos siya ng elementarya at hayskul sa Pasig Catholic College at nagtapos ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University. Nagsulat siya ng mga dula para sa Philippine Educational Theater Association at sumulat ng liriko ng awit ng pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang ni Lino Brocka. Nanalo ng ikalawang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang mga kwento niya na pinamagatang, “The Trial of Professor Riesco” at “Punch and Judas.”
PAGUSARA, Don
Siya ay isinilang noong Hulyo 10, 1938 sa Tangub Misamis, Oriental. Naging patnugot siya ng dyaryo ng San Jose Recoletos at nagwagi ng gantimpala sa pagsusulat sa ilalim ng College Editor Guild of the Philippines noong 1969.  Nagturo ng Literatura sa UP noong 1981 at nagtatag ng People’s Center for Development noong 1985. Naging direktor ng mga proyektong pananaliksik sa kooperatiba. Lumabas sa Literary Apprentice (1980-1982), sa Philippine Studies (1985), Versus Philippine Protest Poetry (1983-1986). Kamao (1987), Mithi 12 at Ani 4 ang mga naisulat niyang tula. Ang iba sa kanyang mga naisulat ay ginawang awit at ito’y nailimbag sa Ibong Malaya Vol.1 & 2, ang mga ito ay pawang koleksyon ng mga awiting pangkalayaan. Siya rin ang sumulat ng liriko ng mga tanyag na mga awit para sa Sinalimba (Sayaw Pandrama sa Davao).

ANG PALAKA AT ANG DAGA
Ang palaka at ang daga ay matalik na magkaibigan. Ang tawag nila sa isa’t-isa ay Manayu o Mayumi. Sa kanilang magandang pagsasamahan, nakaisip ang daga na sila ay magpaligsahan sa paglundag upang malamankung sino sa kanila ang pinakamataas lumundag. Kaya sinabi ng daga sa palaka, “Manayu, magpaligsahan tayo kung sino ang makalulundag nang pinakamataas.” “Sige. Mabuti kung may paligsahan tayo. Saan gaganapin?” ang sagot ng palaka. “Doon sa bahay ni Walu. Aakyat tayo at lulundag. Manayu, halika na,” ang sabi ng daga.
Umakyat sila sa pinakamataas na bahagi ng bahay. Ang unang lumundag ay ang daga at sumunod ang palaka. Ngunit nang lumapag ang palaka, nabali ang kanyang paa. Nag-alala ang daga at ang sabi, “Nakakaawa ka naman. Nabali ang iyong paa. Halika, kakargahin kita sa likod ko at hahanap tayo ng manggagamot ng iyong nabaling paa.”

 
Sa pangkalahatan, sisiyasatin ang isang halimbawang panitikan ng Rehiyon X sa lalawigan ng Bukidnon. Ang Bukidnon ay salat din ng mga panitikan tulad ng tugmang pambata, bugtong, salawikain, tula, katutubong epiko, kasaysayan ng lahi, mitiko at kwentong bayan. Kaya basahin ang halimbawang kwentong Mito na pinamagatang “Ang Palaka at ang Daga”. Ito ay isang anyong tuluyan na uring pabula.








Hindi nagtagal dumating sila sa isang lugar na may isang matandang babaing gumagamas ng damo. “Ale, maari mo bang ayusin itong nabaling paa ni Manayu?” ang tanong ng daga. “Oo. Pero maghintay muna kayo hanggang matapos ko itong paggamas,” ang sagot ng matandang babae. “Iiwan ko muna siya dito at babalik ako bukas ng umaga upang kunin siya.” Iniwan ng daga ang palaka at umalis.
Pag-alis ng daga, kumuha ang matandang babae ng sibuyas. Tinanong siya ng palaka kung aanhin niya ang sibuyas. Sumagot ang matanda. “Para magamot kita.” Umakyat sila sa bahay. Kinuha niya ang palaka ay binalot sa dahon kasama ang sibuyas. Inihaw niya ito at kinain.
Kinaumagahan, bumalik ang daga at tinanong niya ang matanda kung napagaling na niya ang kanyang mahal na kaibigan. Sumagot ang matanda, “Hindi ko naayos ang paa niya dahil kinain ko na siya kahapon.” At hinabol niya ang daga upang ihawin ngunit nakatakbo agad ito.
            Inimbita ng daga ang iba’t-ibang hayop kagaya ng pukyuyan, tamaing, langgam, lapinig, linta, alupihan, at ahas at sinabi niyang magtipun-tipon sila sa bahay ng matanda sa gabi. Pagdating ng mga insekto, nilusob nila ang matanda. Nagtago siya sa kulambo ngunit kinagat siya ng linta, langgam at alupihan. Tumakbo siya sa hagdanan at dito, kinagat siya ng ahas. Sa wakas, namatay ang matanda.
 



























Mga tanong na sasagutin:

1.  Sino ang panunahing tauhan sa kwento? Anong relasyon na meron sila?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ano ang naisipan ni Mayumi para maaliw sila sa kanilang matagal na pagsasama. Ano kaya ito?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Naging matagumpay ba ang kanilang nilalaro? Bakit?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Ano ang sinasagisag ng daga at palaka sa kwentong ito?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
5. Paano napatunayan ng daga na siya’y isang tunay na kaibigan?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Nararapat ba ang nagging wakas ng matandang babae bilang parusa sa ginawa nito sa palaka? Patunayan?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________


MAGSANAY KA!

Panuto: Basahin ang tanong at bilugan ang tamang sagot.

1.  Anong uri na anyong pampanitikan nabibilang ang kwentong “Ang palaka at ang daga”.
                        a. mitolohiya                            c. pabula
                        b. parabola                              d. epiko
2. Ano ang relasyon ni Mayumi at Manayu?
                        a. matalik na kaibigan             c. magpinsan
                        b. magkapatid                         magkasintahan
3. Sinong babae na nilapitan ni Mayumi upang magamot at ito din ang nagpatay sa kaibigan ni Manayu?
                        a. magandang babae              c. babaeng gumagamas ng damo
                        b. linta                                      d. doctor
4. Saang lugar nila gaganapin ang kanilang paligsahan?
                        a. kulambo                              c.  sa bahay ng babae
                        b. sa bahay ni Walu                d. sa bukid
5. Ano ang naisipan ni Mayumi na paligsahan na kanilang gaganapin?
                        a. table tennis                          c. ang pinakamataas lumundag
                        b. sack race                            d. pinakamabilis na lumakad
6. Saan nagtago ang matanda nang sinalakay ng mga kaibigan ni Mayumi?
                        a. kulambo                              c. cabinet
                        b. bahay pukyutan                  d. ilalim ng lamisa
7.  Sino ang nakapatay na kaibigan ni Mayumi sa babaeng matanda?
                        a. ahas                                                c. daga
                        b. linta                                      d. langgam
8. Anong anyong panitikan na nauuri ang kwentong ito?
a. Ito’y kwentong tuluyan dahil maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
b. Ito’y Anyong Patula dahil ang pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
c. B at A
d. wala sa tatlo.
            9. Sa kabuuan, ano ang nangingibabaw na aral napapaloob sa kwento?
                        a. talas ng isipan
                        b. pakitang tao
                        c. matulungin sa kapwa
                        d. ang lakas at tunay na magkaibigan
            10. Saang lalawigan nabibilang ang panitikang “Ang Palaka at ang daga”?
                        a. bukidnon                                         c. lanao del norte
                        B. camiguin                                         d. misamis oriental
12. Nagsimula siyang sumulat noong siya ay nag-aaral pa sa Siliman University at Unibersidad ng Pilipinas. Naging mahusay siyang patnugot ng mga pahayagan ng Siliman University at naging patnugot din ng Collegian ng UP noong 1950.
                        a. ALEJO, Albert
b. BERNAD, Miguel
c. CANOY, Reuben
d. DEMETRIO, Francisco
13. Naging patnugot siya ng dyaryo ng San Jose Recoletos at nagwagi ng gantimpala sa pagsusulat sa ilalim ng College Editor Guild of the Philippines noong 1969. 
                        a. CANOY, Reuben
b. DEMETRIO, Francisco
c. LACABA, Emmanuel
d. PAGUSARA, Don
           
                       
Mga sagot sa panghuling pagsubok.
Text Box: Ang modyul na ito ay inihanda ni
Dexter G. Gamboa
BSEd FILIPINO IV
Cebu Normal University
            1. A
            2. C
            3. A
            4. B
            5. C
            6. A     
            7. A
            8. A
            9. A
            10. A
            11. C

PAGPAPAHALAGA
 
Text Box: Ang katangiang makatao at sentimental ay ipinapakita ang kagandahan at lakas ng tunay na magkaibigan. Ang tunay na kaibigan ay tulad ng mamahaling hiyas na dapat mahalin at
 pag-ingatan.            12. D