Martes, Setyembre 20, 2011

RISERTS:

ABSTRAK

PAMAGAT                   :lebel ng motibasyon at akademikong       performans ng MGA estudyante sa cebu normal university NA MAY PANANAGUTAN

MANANALIKSIK                      : Dexter G. Gamboa
                                             Leomar C. Purtado
                                             Ther Jhon B. Villacampo
                                             Judelyn D. Cuarenta
                                             Mary Ann E. Gabutero

ANTAS                          : Bachelor of Secondary Education                                                            
                                         Major in Filipino

SCHOOL/ADDRESS      : Cebu Normal University
                                        Osmeňa Boulevard, Cebu City

TAONG                      : 2011              
==================================================

Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa mga lebel ng motibasyon sa mga mag-aaral na may-asawa sa Cebu Normal University. Kinuha namin ang profile na naglalaman ng kanilang edad, estado ng kanilang relasyon, bilang ng anak at taon ng pagsasama. Kinuha rin namin ang posibleng nakakapekto sa kanilang intrinsic at extrinsic na motibasyon at marking nakuha sa unang semestre ng taong 2010-2011. Gumamit ng isang talatanungan ang mga mananaliksik sa mga pagkalap ng mga datos. Mayroong tatlumpung tagatugon ang nakuhang sumagot sa ibinahagi naming talatanungan. Mula sa gulang labimpito hanggang dalawampu ang age bracket ng mga estudyante na may-asawa ang kasalukuyang nag-aaral sa Cebu Normal University, 90% sa mga tumutugon ay babae, 70% sa mga ito ay may isang(1) anak at may taunang kita na mababa sa 10,000php sa loob ng isang taon. Batay sa datos makitang lubhang motibado sa kanilang pag-aaral ang mga tumutugon, masyadong mataas ang kanilang intrinsic motivation at extrinsic motivation, na siyang pangunahing dahilan kung bakit ipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.
  Naniniwala ang mga mananaliksik na ang naging resulta ng pag-aaral na ito ay nagsisilbing gabay sa sumusunod na mga mananaliksik.
Hango sa kongklusyon, ang mga sumusunod ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natuklasan sa pananaliksik: Ang lingguhan na pag-aaral at pag-aaral sa gabi ay makakatulong upang maisaayos nila ang kanilang oras sa pag-aaral at sa anak: Dapat magkaroon ng ibang gawain ang guro na ibibigay sa mga solong magulang na istudyante at magkaroon sila ng “time management’’;Ang mga paraan ng mga tulad ng “night meetings and group work”, ay may malaking maitutulong ng sa ganoon ay hindi sila masyadong nahihirapan; at Ang mga mananaliksik sa hinaharap ay maaaring magsaliksik sa mga sumusunod: Akademikong performans at lebel ng motibasyon ng mga estudyanteng solong ina sa Cebu Normal University; Ang kaugnayan ng edad at katayuan sa akademikong performans ng mga estuyante sa kolehiyo; Epekto ng extra-curricular activities sa mga estudyanteng may-asawa na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento